Pulong-pulong ukol sa Crime Prevention, isinagawa sa Barangay Paradahan I

0
viber_image_2025-10-10_14-39-10-159

Isinagawa ang isang dayalogo o pulong-pulong ukol sa crime prevention kasama ang mga Barangay Officials at Tanods ng Barangay Paradahan I, Tanza, Cavite nito lamang Huwebes, ika-9 ng Oktubre 2025.

Ang dayalogo ay pinangunahan ng Tanza Municipal Police Station sa pamumuno ni PLtCol Joven T. Bahil, Officer-in-Charge. Sa nasabing aktibidad, ibinahagi ng kapulisan ang mahahalagang impormasyon at mga paalala hinggil sa tamang pagtugon sa mga insidente ng krimen, kahalagahan ng maagap na koordinasyon sa mga awtoridad, at mga hakbang upang mapanatili ang katahimikan sa komunidad.

Ang ganitong uri ng aktibidad ay mahalagang bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng mga barangay at iba’t ibang sektor upang mapanatili ang isang mapayapa, ligtas, at maayos na pamayanan sa bayan ng Tanza.

Source: Tanza Pnp

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *