Php343K halaga ng Livelihood Project, ipinagkaloob sa mga magsasaka ng Pangasinan
Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga lokal na magsasaka, matagumpay na isinagawa ang turnover ceremony ng Squash Noodles Production and Vending Kart Project para sa Mount Amorong Squash Growers Association noong Oktubre 6, 2025 sa Brgy. Luna Weste, Umingan, Pangasinan.
Pinangunahan ito ng Pure Bayanihan sa pamumuno ni Ms. Jannah Endrina, katuwang ang 104th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 sa ilalim ni PMaj Ronnel K. Balangcod, at ang Company Advisory Group for Police Transformation Development (CAGPTD) na kinatawan nina Ms. Roma Q. Madrigal at Atty. Charlene B. Lagua.

Ang proyektong may halagang Php343,000.00 ay naglalayong tulungan ang 36 na miyembro ng asosasyon sa pamamagitan ng pagsasanay, kagamitan sa paggawa ng squash noodles, at vending carts. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng bagong pagkakakitaan ang mga magsasaka habang pinapataas ang halaga ng kanilang ani.
Layunin ng nasabing proyekto angIsulong ang sustainable farming at entrepreneurship; Palaganapin ang inobasyon sa agri-processing; Suportahan ang rural development at food security; at Magbigay ng alternatibong kabuhayan sa maliliit na magsasaka
Ang inisyatibang ito ay patunay ng matagumpay na pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, at mga mamamayan para sa mas maunlad at mas matatag na komunidad.
Muli, isang malaking saludo sa mga magsasaka ng Mount Amorong sa kanilang sipag, tiyaga, at bukas na pagyakap sa pagbabago.
Source: 104th Maneuver Company RMFB1