2nd Semester CY 2025 Barangay Assembly Day, isinagawa sa Tacloban City

0
viber_image_2025-10-28_13-13-07-438

Lumahok ang mga Barangay Force Multipliers, Sanguniang Kabataan, at mga residente sa ginanap na 2nd Semester CY 2025 Barangay Assembly Day sa Brgy. 42-A, 48, 35-A, and 66, Tacloban City noong Oktubre 26, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga Punong Barangay kasama ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Noelito A Getigan, City Director.

Ang pagpupulong ay may temang “Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon ating Talakayin ngayong Barangay Assembly” kung saan ito’y may layuning pagtibayin ang ugnayan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at mamamayan para sa mas ligtas na komunidad.

Ang naturang aktibidad ay mahalaga sa pagpapalakas ng tiwala ng publiko, pagpapalalim ng partisipasyon ng sibiko, at pagpapanatili ng mabuting pamamahala sa bawat komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *