Mga Opisyales ng Barangay, nakiisa sa Pulong-Pulong sa Danao City, Cebu
Aktibong nakiisa ang mga opisyales bg Barangay sa idinaos na Pulong-Pulong sa Barangay Sibacan, Danao City, Cebu, noong ika-26 ng Oktubre 2025.
Isinagawa ito ng mga tauhan ng Danao City Police Station sa ilalim ng direktang pamumuno ni PLTCOL HENRIX P. BANCOLETA.

Dumalo sa pagtitipon ang mga Barangay Tanod, Lupon Tagapamayapa, at Barangay Health Workers (BHWs). Ibinahagi ng mga pulis ang mahahalagang impormasyon hinggil sa Peace and Order Situation sa lugar at binigyang-diin ang kahalagahan ng tamang paghawak ng referral cases upang mapanatili ang hustisya at pagkakaisa sa komunidad.