Libreng Binyag, kaisang inilunsad sa Catanduanes
Screenshot
Isang sanggol ang nabinyagan sa pamamagitan ng libreng seremonya na inorganisa ng Police Regional Office 5 (PRO 5) sa pamamagitan ng Virac Municipal Police Station, sa Catanduanes Police Provincial Office katuwang ang iba’t ibang stakeholders sa komunidad sa Brgy. Pajo San Isidro, Virac, Catanduanes.
Isinagawa ang simpleng ngunit makabuluhang seremonya noong ika-19 ng Abril 2026. Ito ay dinaluhan ni PMAJ Kenneth Ding C Gutierrez kasama ang mga stakeholders na sina Mr. Junjie Tabuzo, Dr. Merphil Janelyn Zafe, Ms. Nida Sampag, at Ms. Cheryl Bartolome na nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang aktibidad.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang pamilya ng sanggol sa Virac MPS at sa mga katuwang sa programa. Ayon sa kanila, ang ganitong inisyatibo ay malaking tulong sa kanilang pamilya at nagpapakita ng malasakit at aktibong pakikiisa ng kapulisan sa komunidad.
Patuloy ang mga pulisya sa paghahatid ng serbisyong may malasakit sa publiko—hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon, kundi maging sa aktibong pakikibahagi sa mga programang sumusuporta sa kapakanan at pag-unlad ng bawat mamamayang Bicolano.