Juban LGU, nakiisa sa paglunsad ng ACD 2.0 sa Sorsogon

0
viber_image_2026-04-23_10-52-03-683

Matagumpay na isinagawa ang ACD 2.0 sa Juban, Sorsogon, na may matibay at buong pusong suporta mula sa Lokal na Pamahalaan ng Juban kamakailan lamang.

Ipinamalas dito ang matatag na pakikiisa ng LGU sa adbokasiya ng PNP Sorsogon sa pagpapatibay ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Pinangunahan ni PCOL ALEX C DANIEL ang nasabing aktibidad kung saan kanyang binigyang-diin ang mahahalagang adyenda na nagsisilbing gabay sa mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad.

Kabilang dito ang:
• Paghikayat sa komunidad para sa boluntaryong pagsuko ng mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga;
• Pagsuko ng mga loose firearms upang maiwasan ang karahasan;
• Pagtutulungan para sa pagsuko at pagkakahuli ng mga wanted persons; at
• Mas pinaigting na kampanya para sa proteksyon ng kababaihan at kanilang mga anak laban sa karahasan, lalo na sa mga kaso ng VAWC, partikular ang rape cases.

Bilang Guest of Honor and Speaker, ipinahayag ni Mayor Rogel “Botox” Fulleros ang kanyang buong suporta sa mga adhikain ng PNP at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat sektor—mula sa lokal na pamahalaan hanggang sa mamamayan—upang epektibong maisakatuparan ang mga programa laban sa kriminalidad, ilegal na droga, at iba pang banta sa kapayapaan.

Hinikayat din niya ang komunidad na makiisa, makialam, at maging aktibong katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa kanilang lugar.

Nagkaisa ring muling ipahayag ang suporta ng mga Barangay Officials, Sangguniang Kabataan (SK), core groups, at iba pang stakeholders sa ACD Program na itinatag at pinasimulan ni PCOL ALEX C DANIEL.

Ang inisyatibang ito ay naglalayong palakasin ang ugnayan ng komunidad at ng Pulis Kasanggayahan, at magsilbing konkretong hakbang tungo sa mas ligtas na kapaligiran.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng pamahalaan at mamamayan, patuloy nating itinataguyod ang isang ligtas, mapayapa, at progresibong Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *