Paggunita sa World Day Against Child Labor 2026, isinagawa sa Jovellar, Albay

0
viber_image_2026-06-16_20-14-31-286

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Day Against Child Labor 2026, nagsagawa ang mga tauhan ng Jovellar Municipal Police Station (JMPS) sa pangunguna ni PCPT Rommel M. Aringo, Officer-in-Charge, ng isang makabuluhang aktibidad para sa mga kabataan noong Hunyo 14, 2026 sa Barangay Mabini, Jovellar, Albay.

Tampok sa nasabing programa ang Laro ng Lahi na nilahukan ng mga mag-aaral mula Grade 3 hanggang Grade 6 mula sa iba’t ibang barangay ng Jovellar, kabilang ang Mabini, Plaza, White Deer, at Rizal.

Sa pamamagitan ng mga tradisyunal na larong Pilipino, nabigyang-daan ang mga bata na makibahagi sa masaya at makabuluhang gawain na nagtataguyod ng kanilang karapatan sa paglalaro, pag-aaral, at aktibong na pangangatawan.

Kasabay nito, binigyang-diin sa programa ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga bata laban sa lahat ng anyo ng pagsasamantala gaya na lamang ng child labor.

Tinalakay din sa aktibidad ang masasamang epekto ng child labor sa kinabukasan ng mga kabataan at ang mahalagang papel ng pamilya, paaralan, at komunidad sa pangangalaga sa kanilang kapakanan at karapatan.

Isinagawa ang aktibidad alinsunod sa temang “Ikaw, Ako, Tayo: Sama-samang Pagkilos para sa Batang Malaya,” na nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa at kolektibong responsibilidad ng bawat sektor ng lipunan upang matiyak ang isang ligtas, maunlad, at malayang kinabukasan para sa bawat bata.

Naging matagumpay ang nasabing programa sa Barangay Mabini, Jovellar, Albay, at nagsilbing paalala na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas mapapalakas ang kampanya laban sa child labor at mas mapangangalagaan ang karapatan at kapakanan ng bawat kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *