“Project Ta Abbing” ng Rotaract Club of Tuguegarao Citadel, naghatid ng pag-asa, kaalaman at inspirasyon sa mga kabataan

0
viber_image_2026-06-16_20-14-28-428-1

Bilang paggunita sa World Day Against Child Labor, matagumpay na isinagawa ang “Project Ta Abbing” noong Hunyo 12, 2026 sa SM City Tuguegarao, isang programang naglalayong magbigay ng makabuluhang kaalaman, suporta, at inspirasyon sa mga bata at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo at aktibidad.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Rotaract Club of Tuguegarao Citadel, katuwang ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, organisasyon, at pribadong sektor.
Ang partisipasyon ng 1st Cagayan PMFC ay pinangunahan ni PLT Mary Rumar Ranjo, Operations Officer, sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Abdel Aziz D. Maximo, Acting Force Commander, bilang bahagi ng patuloy na suporta ng kapulisan sa mga programang nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan.

Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang plenary discussion hinggil sa Child Labor Laws at Child Labor Prevention and Elimination Program, kasama ang iba’t ibang activity stations tulad ng Lakbay Pangarap, Pangarap Wall Activity, Medical Mission, Group Sharing and Love Language Session, libreng gupit para sa mga bata, pedicure at manicure para sa mga magulang, gift-giving ng school supplies, at iba’t ibang laro at recreational activities.

Nagsagawa ang 1st Cagayan PMFC ng static display ng mga kagamitan ng PNP upang ipakilala sa mga bata ang tungkulin ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan, search and rescue, at pagtugon sa mga sakuna at emerhensiya.

Layunin ng Project Ta Abbing na mabigyan ang mga kabataan ng mas malalim na kaalaman tungkol sa kanilang mga karapatan, mahikayat silang mangarap nang mataas, at mapalakas ang kanilang kumpiyansa sa sarili tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na naipapakita ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng kapakanan ng kabataan at pagpapatibay ng ugnayan sa komunidad.

Source: 1st Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *