Mga miyembro ng BPATs sa Sto. Niño, Cagayan hinubog para sa mas matatag na komunidad
Matagumpay na isinagawa ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) Training and Workshop sa Barangay Gymnasium, Centro Sur, Sto. Niño, Cagayan noong Hunyo 17, 2026.
Pinangunahan ang aktibidad ng Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Andrew Vincent Pagurayan, sa pakikipagtulungan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) sa pamumuno ni PCol Mardito G Anguluan, Provincial Director, at iba pang partner agencies.
Tampok sa pagsasanay ang mga talakayan hinggil sa tungkulin at responsibilidad ng BPAT, disaster preparedness, first aid, earthquake drill, fire safety, basic arnis, arresting techniques, at tourism safety awareness. Layunin ng mga ito na higit pang mapahusay ang kaalaman, kahandaan, at kakayahan ng mga kalahok sa pagtugon sa iba’t ibang sitwasyon sa kanilang komunidad.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng nasabing aktibidad ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at iba pang sektor sa pagtataguyod ng isang ligtas, disiplinado, at handang komunidad kung saan aktibong nakikibahagi ang mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Source: Cagayan Police Provincial Office