Mga advocacy groups at volunteers, nakiisa sa bloodletting activity para sa World Blood Donors Day 2026
Nagkaisa ang iba’t ibang advocacy groups, volunteers, at mga tauhan ng 104th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) sa isang Bloodletting and Supplemental Feeding Activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Blood Donors Day 2026 noong Hunyo 16, 2026 sa CB Mall Event Center, Urdaneta City.
Pinangunahan ng mga volunteer blood donors at mga organisasyong nagsusulong ng makataong serbisyo ang aktibidad na naglalayong mapanatili ang sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan nito. Naging katuwang sa programa ang Philippine Red Cross Pangasinan Chapter–Urdaneta City Branch, City Health Office, DepEd, CB Mall, at Yakult Philippines.

Aktibo ring nakilahok ang mga tauhan ng 104th Maneuver Company sa ilalim ng pamumuno ni PCpt Raymond Rhyss T. Walin, Acting Company Commander, bilang suporta sa adbokasiya ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo at paglilingkod sa komunidad.
Ipinakita ng aktibidad ang mahalagang papel ng mga advocacy groups at volunteers sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa blood donation. Sa pamamagitan ng kanilang pakikiisa, mas napalalakas ang kultura ng bolunterismo at malasakit sa kapwa, na nagbibigay ng pag-asa at pagkakataong makapagligtas ng buhay sa bawat patak ng dugong naibabahagi.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: 104th MC, RMFB 1