Salaam Police Advocacy Group, nakiisa sa lecture ng Balamban PNP

0
viber_image_2026-06-19_10-12-00-069

Nagsagawa ang mga tauhan ng Balamban Municipal Police Station ng One Dawah, Drug Awareness, at Anti-Terrorism Information Drive kasama ang Salaam Police Advocacy Group, Summer Job Students, BHW, mga opisyal ng barangay, at BPSO sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Ian T. Macatangay, OIC, sa Brgy. Biasong Covered Court, Balamban, Cebu noong Hunyo 16, 2026.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok, lalo na ng mga kabataan, tungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga at kahalagahan ng pagiging mapagmatyag laban sa terorismo at marahas na ekstremismo.

Tinalakay sa symposium ang crime prevention, kampanya kontra ilegal na droga, pagkilala sa mga kahina-hinalang aktibidad, at ang mahalagang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Nagpahayag naman ng suporta ang mga kalahok sa mga programa ng Philippine National Police para sa isang ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *