Outreach Program, naghatid ng tulong at saya sa Rosales, Pangasinan

0
viber_image_2026-06-24_16-34-29-988

Matagumpay na naisagawa ng AGAGI Group of Vloggers, sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit (LGU) ng Rosales at ng 104th Maneuver Company, ang isang makabuluhang outreach program sa Barangay Carmay West, Rosales, Pangasinan noong Hunyo 21, 2026.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at malasakit sa komunidad, naihatid sa mga residente ang iba’t ibang uri ng tulong at suporta. Naging tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng grocery items o food packs at pagsasagawa ng feeding program na nagbigay ng kasiyahan at pag-asa sa mga benepisyaryo.

Ipinakita ng programa ang kahalagahan ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor sa paglilingkod sa mamamayan. Nagkaisa ang mga boluntaryo, lokal na pamahalaan, at mga tauhan ng 104th Maneuver Company upang maghatid ng serbisyong may malasakit at makatugon sa pangangailangan ng kanilang mga kababayan.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga organizer sa lahat ng indibidwal at grupong naglaan ng kanilang oras, suporta, at kontribusyon upang maging matagumpay at makabuluhan ang nasabing gawain.

Patunay ang inisyatibong ito na sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa, mas marami pang buhay ang maaaring maabot at mabigyan ng inspirasyon tungo sa pagbuo ng mas maunlad, matatag, at mapagkalingang pamayanan.

Source: 104th MC, RMFB1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *