PROJECT S.A.F.E. Schools, pinalakas sa pamamagitan ng school visitation at information drive
Bilang bahagi ng ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐.๐.๐ .๐. ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ (๐๐๐๐ฎ๐ซ๐ ๐๐ง๐ ๐ ๐ซ๐ข๐๐ง๐๐ฅ๐ฒ ๐๐๐ฎ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง) nagsagawa ng School Visitation and Information Drive ang Sorsogon Police Provincial Office noong Hulyo 8, 2026.
Isinakatuparan ang aktibidad sa pagtutulungan ng PNP Sorsogon at Department of Education (DepEd) upang palakasin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mahahalagang usaping may kinalaman sa kanilang kaligtasan, seguridad, at kapakanan.
Ang naturang aktibidad na ito ay isa rin sa mga nakahanay na programa sa pagdiriwang ng 31st Police Community Relations Month, na may temang: “Sa Bagong Pilipinas, Ugnayang Pulis at Mamamayan: Tapat, Maaasahan, at Nararamdaman ng Bayan.”

Layunin nitong higit pang pagtibayin ang ugnayan ng kapulisan, paaralan, at komunidad sa paghubog ng isang ligtas, disiplinado, at responsableng kabataan.
Sa pamamagitan ng mga interactive na talakayan, nabigyan ng mahahalagang kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa Cyber Bullying, Anti-Bullying, Safe Spaces Act, Crime Prevention, at Vehicle Protocols for Minors, upang maging mas mapanuri, responsable, at handa silang harapin ang mga hamon sa loob at labas ng paaralan.
Taos-puso namang nagpasasalamat ang Pulis Kasanggayahan sa Buhatan National High School sa patuloy na pakikiisa at suporta sa adhikain ng PNP na pangalagaan ang karapatan, kaligtasan, at kinabukasan ng ating kabataan.