LGU Abulug, nanguna sa Feeding Program para sa mga batang mag-aaral sa Sta. Rosa

0
viber_image_2026-08-14_15-39-53-082

Matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Abulug ang isang Feeding Program para sa mga batang mag-aaral ng Sta. Rosa Elementary School, Abulug, Cagayan noong Agosto 12, 2026.

Pinangunahan ng LGU Abulug sa pamumuno ni Hon. Marie Angelie A. Vargas, Municipal Mayor, ang nasabing aktibidad katuwang ang Abulug Police Station sa pangunguna ni PCpt John Jefferson A. Bumanglag, mga barangay officials ng Sta. Rosa, mga miyembro ng KKDAT, at mga guro ng Sta. Rosa Elementary School.

Sa naturang aktibidad, nabigyan ang mga bata ng masustansiyang pagkain bilang suporta sa kanilang wastong nutrisyon at malusog na paglaki. Naging bahagi rin ng programa ang mga masasayang palaro at pamamahagi ng mga premyo na naghatid ng saya at ngiti sa mga batang kalahok.

Layunin ng aktibidad na maisulong ang kalusugan, wastong nutrisyon, at pangkalahatang kapakanan ng mga kabataan, gayundin ang pagpapatibay ng ugnayan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, paaralan, at komunidad sa paghahatid ng makabuluhang serbisyo para sa kabataan, alinsunod sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: PNP Abulug Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *