RMFB 15 at DOH, ikinasa ang PuroKalusugan at team-building activity sa Mayoyao, Ifugao
Nagsagawa ang 1501st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB 15), sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Drexler A. Wap, ng PuroKalusugan at Team-Building Activity para sa mga residente at mag-aaral ng Ayangan Elementary School sa Mayoyao, Ifugao noong Agosto 20, 2026.
Isinagawa ito sa pakikipagtulungan ng Ifugao Department of Health (DOH) at Mayoyao Rural Health Unit (RHU).


Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa kalusugan habang pinauunlad din ang kanilang teamwork, pakikipagkaibigan, kooperasyon, leadership, at positibong pagpapahalaga. Naging pagkakataon din ito upang mapalakas ang pakikilahok at makabuluhang ugnayan ng kapulisan, paaralan, mga ahensiya ng pamahalaan, at komunidad.
Sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kalusugan, edukasyon, at paghubog sa kabataan, patuloy na pinatitibay ng PNP ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang sektor para sa holistic na pag-unlad at kapakanan ng komunidad. Ipinakikita rin ng inisyatibang ito ang dedikasyon ng kapulisan na maging aktibong katuwang ng mamamayan sa pagtataguyod ng ligtas, malusog, at maunlad na pamayanan.
Source: PNP 1501st MC, RMFB 15