1st Cagayan PMFC, pinagtibay ang ugnayan sa Company Advisory Group Meeting

0
viber_image_2026-09-06_21-14-32-463

Isinagawa ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang Company Advisory Group Meeting noong Setyembre 4, 2026, na nagsilbing venue para sa dayalogo, koordinasyon, at pagpapalakas ng ugnayan sa mga stakeholders.

Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang updates, pagpaplano ng mga aktibidad, at mga posibleng hakbangin upang higit na mapahusay ang paghahatid ng police services at matugunan ang mga pangangailangan at concerns ng komunidad.

Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon at pagtutulungan ng kapulisan at mga stakeholders bilang mahalagang bahagi ng pagpapatibay ng community engagement, public safety, at responsive police service.

Patuloy namang isinusulong ng 1st Cagayan PMFC ang matibay na partnership sa mga katuwang nito upang makapaghatid ng mas maagap at epektibong serbisyo tungo sa mas ligtas, mapayapa, at empowered na komunidad.

Source: PNP 1st Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *