Project “Gakus,” inilunsad sa Asturias, Cebu
Muling inilunsad ang Project Gakus sa pamamagitan ng Gabay Kabataan Program para sa mga Day Care pupils nito lamang September 24, 2026 sa Sitio Sulbong, Brgy. Owak, Asturias, Cebu.
Nanguna sa proyekto ang mga mga tauhan ng 1st Cebu Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pangunguna ni PCpl Roy Carin Antabo, sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL RUEL L BURLAT, Force Commander.
Katuwang sa programa ang mga miyembro ag kasapi ng Balamban Baptist Church na masigasig namang sinuportahan ng mga tauhan ng Day Care ng nasabing komunidad.
Namahagi ang grupo ng mga school supplies at masasarap na pagkain na mainit namang tinanggap ng mga kabataan.
Nagkaroon din ng kaunting talakayan kaugnay sa pagbibigay-gabay sa mga kabataan, values formation, at pagbibigay ng buong suporta sa nasabing komunidad para matiyak ang maayos at responsableng pagpapalaki ng nasabing mga kabataan bilang mga pag-asa ng bayan.
