Iriga City PNP, nagsilbing tagapagsalita sa Leadership Enhancement Training para sa mga Criminology Intern
Nakiisa ang Iriga City Police Station, sa pamumuno ni PLTCOL JERIC DON P. SADIA, Chief of Police, bilang mga tagapagsalita sa isinagawang Criminology Intern Leadership Enhancement Training Program (CILETPRO) sa University of Saint Anthony, Barangay San Miguel, Iriga City, dakong alas-1:00 ng hapon noong Oktubre 10, 2026.
Tinalakay ni PEMS Jeffrey John P. Puso, Investigation PNCO, sa mga kalahok ang mga pamamaraan sa pagsasagawa ng Criminal Investigation Procedure. Samantala, ibinahagi naman ni PEMS Robert I. Agton, Administrative PNCO, ang mahahalagang kaalaman tungkol sa organisasyon at administrasyon ng kapulisan, kabilang ang proseso ng pagrerekrut ng mga aplikanteng nagnanais maging bahagi ng Philippine National Police (PNP).
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at pang-unawa ng mga mag-aaral ng criminology hinggil sa mga operasyong pampulisya, mga tungkuling administratibo, at mga pamamaraang sinusunod sa pagrerekrut ng mga pulis.
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman at karanasan ng mga tauhan ng kapulisan, inaasahang mas magiging handa ang mga criminology intern sa mga hamon at responsibilidad na kaakibat ng kanilang magiging propesyon sa larangan ng law enforcement at paglilingkod sa publiko.
Patuloy namang isinusulong ng Iriga City Police Station ang pakikipagtulungan sa mga institusyong pang-edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman at gabay sa mga susunod na propesyonal sa larangan ng kriminolohiya.
Bahagi ito ng pagsisikap ng kapulisan na malinang ang kakayahan, disiplina, at pamumuno ng mga mag-aaral upang maging handa silang maglingkod nang may integridad, pananagutan, at dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.