R-PSB Ifugao at komunidad, nagtulungan sa pagpapatayo ng gusali sa Hungduan
Nagtulungan ang Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team ng 1501st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 15 (1501st MC, RMFB15), sa pangunguna ni PCpt Drexler A. Wap, ang 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company (1st IPMFC), mga opisyal ng barangay, miyembro ng Baang Women’s Organization and Rural Improvement Club (BWORIC), at mga boluntaryo sa pagsasagawa ng concrete pouring activity para sa slab ng itinatayong gusali ng organisasyon noong Oktubre 12, 2026, sa Sitio Tinangaan, Barangay Baang, Hungduan, Ifugao.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng gusali na magsisilbing lugar para sa mga pagpupulong, gawain, at programang pangkomunidad ng BWORIC. Inaasahang magbibigay ito ng mas maayos na espasyo para sa mga inisyatibang nagtataguyod ng aktibong pakikilahok ng kababaihan sa pagpapaunlad ng kanilang pamayanan.
Ipinakita ng sama-samang pagkilos ng kapulisan at komunidad ang diwa ng bayanihan, pagkakaisa, at malasakit sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Sa pamamagitan ng mga inisyatibang tulad nito, patuloy na pinatitibay ng 1501st MC, RMFB15, 1st IPMFC, at mga katuwang na sektor ang police-community partnership at sama-samang pananagutan tungo sa mas ligtas, matatag, at maunlad na pamayanan sa Ifugao.
Source: PNP 1501st MC, RMFB 15 (https://www.facebook.com/share/p/1CAtRs5q3T/)