PRO 5 at pribadong sektor, naghandog ng badac barricades para sa ligtas at drug-free na masbate

0
Screenshot-2026-10-16-123909

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga, ipinagkaloob ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) – R-PSB Team Jamorawon, katuwang ang Tanduay Masbate – Mandalagan Commodities Inc., ang dalawang (2) Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) barricades sa Barangay Tagbon, Milagros, Masbate noong Oktubre 13, 2026. Layunin ng inisyatibong ito na suportahan ang mga hakbang ng barangay sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad, gayundin ang pagpapalakas ng kampanya para sa isang ligtas at malayang pamayanan mula sa ilegal na droga.

Pinangunahan ni Hon. Edna B. Azares, Punong Barangay, kasama ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), ang pagtanggap sa mga ipinagkaloob na kagamitan. Inaasahang makatutulong ang mga BADAC barricades sa pagpapatupad ng mga hakbang pangkaligtasan at sa pagpapalakas ng pagbabantay sa komunidad. Ipinakikita rin ng aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng kapulisan, pamahalaang barangay, at pribadong sektor sa pagsusulong ng kapayapaan at pagpigil sa paglaganap ng ilegal na droga.

Kaakibat ng inisyatibong ito ang PNP Focused Agenda, partikular ang Community Support, at ang Project Alagang KA-SU-ROG, na nagtataguyod ng malasakit, maagap na pagtugon, tapat na suporta, at gabay para sa mamamayan. Sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa pangangailangan ng komunidad, patuloy na pinagtitibay ng Philippine National Police ang ugnayan nito sa mga lokal na lider at iba pang katuwang upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilyang Bicolano.

Sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN RANDY GLENN G. SILVIO, Regional Director ng Police Regional Office 5 (PRO 5), patuloy na isinusulong ang isang kapulisan na may malasakit, bukas sa pakikipagtulungan, at nakatuon sa paglilingkod sa mamamayan. Binigyang-diin ng aktibidad na ang pagkakaisa ng kapulisan, pamahalaang barangay, pribadong sektor, at komunidad ay mahalagang sandigan sa pagpapatibay ng kampanya kontra ilegal na droga at sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na Masbate.

Source:
https://www.facebook.com/share/p/1LLr7cNTbD/

Sa panulat ni: PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *