Kick-Off ng Brigada Eskwela 2025, isinagawa sa San Pedro Elementary School
Aktibong nakilahok ang mga Force Multiplier sa isinagawang Kick-Off Brigada Eskwela 2025 sa San Pedro Elementary School, Brgy. San Pedro Sta. Rita, Samar nito lamang Hunyo 11, 2025.
Ang kaganapan ay dinaluhan ni Ginang Myrna Domilon Humbria, District Nurse, Sta. Rita 2&3, at Hon. Nenita Mista, Brgy. Chairperson kasama ang mga tauhan ng 805th Maneuver Company, RMFB 8 sa pamumuno ni Police major Tyrone Mark A Cartalla, Comapany Commander at mga magulang ng mga mag-aaral sa nasabing paaralan.
Binigyang-diin ng magkasanib na aktibidad ang matibay na samahan ng PNP at Department of Education (DepEd) sa pagtataguyod hindi lamang ng pisikal na kahandaan ng mga paaralan, kundi maging sa moral at panlipunang paghahanda ng mga pamilya.
Ang presensya at pakikilahok ng mga grupo ay nagpakita ng kanilang dedikasyon sa pagiging tunay na katuwang sa pagbuo ng bansa, lalo na sa paghubog ng shaping a safe at secure learning environment.