2nd Quarter Regional Peace and Order Council-Eastern Visayas Meeting, isinagawa sa Tacloban City

0
viber_image_2025-06-11_14-04-28-838

Matagumpay na isinagawa ang 2nd Quarter Regional Peace and Order Council-Eastern Visayas Meeting sa Pacific Point, San Jose, Tacloban City nito lamang Hunyo 10, 2025.

Ang pulong ay pinangunahan ni Hon. Alfred S. Romualdez, Chairperson ng RPOC-EV, sa pakikipagtulungan ni G. Arnel M. Agabe, Regional Director ng Department of the Interior and Local Government, na nagsilbing Secretariat at si PBGen Jay R Cumigad, Regional Director ng Police Regional Office 8.

Dumalo rin sina MGen Adonis Ariel G Orio, Commander ng 8th Infantry Division, Philippine Army, Mr. Bryan B. Babang, Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency 8 at RD-PRO 8, na lumahok bilang Co-Chairpersons.

Ang pangunahing layunin ng RPOC-EV ay pahusayin ang mga hakbang sa seguridad sa buong rehiyon habang tinutugunan ang mga kritikal na alalahanin, kabilang ang pagtatasa ng insurhensya, pagsusuri sa sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan, at pagsubaybay sa pag-unlad sa paglaban sa ilegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *