Mangrove Tree Planting, nilahukan ng Force Multipliers sa Cebu
Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Mangrove Tree Planting sa Barangay Giloctog, Barili, Cebu nito lamang ika-13 ng Mayo 2023.
Kabilang sa nakilahok ang mga tauhan ng Barili Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Janus Giangan, Chief of Police, COMPACT Barili, BPATs, Bantay Dagat at Barangay Officials.
Matagumpay na naitanim ng naturang grupo ang tinatayang 500 halamang mangrove.
Layunin ng aktibidad na protektahan at pagyamanin ang likas na yamang dagat dahil ang mga bakawan ang nagsisilbing tirahan ng mga isda at napapanatili nito ang malinis na kalidad ng tubig.