Clean-up Drive Activity, isinagawa ng Barangay Based Advocacy Support Group sa Santiago, Ilocos Sur

Nagsagawa ng Clean-up drive activity ang Barangay Based Advocacy Support Groups sa kahabaan ng Brgy. Sabangan, Santiago, Ilocos Sur nito lamang ika-15 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng Force Multipliers, Womens Advocacy Support Groups, at Santiago PNP na pinangunahan ni Police Major Henry D Garcia, Officer-in-Charge.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga residente ng Santiago na makiisa at sumuporta sa mga proyekto at aktibidad na naglalayong linisin ang kanilang kapaligiran upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng maruming paligid.

Patuloy naman ang mamamayan at mga grupo sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga aktibidad kung saan mapapanatili nila ang kalinisan at kagandahan ng kanilang lugar.

Source: Santiago Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *