Advocacy Support Groups, nakiisa sa Clean-up Drive sa San Mateo, Rizal

Nakiisa ang mga miyembro ng Advisory Support Groups sa isinagawang Clean-Up Drive ng San Mateo PNP na ginanap sa Patiis Road Brgy. Malanday, San Mateo, Rizal nito lamang Sabado, Pebrero 03, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Era May O Buenaventura, PCAD PNCO, sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Rodolfo G Santiago II, Acting Chief ng San Mateo Municipal Police Station kasama ang mga estudyante ng San Mateo Municipal College Psychology, Representatives ng Monterock, Conrock at miyembro ng 4P’s at dinaluhan ni Hon. Orlando S Cruz, Brgy Chairman.

Masugid na nagtulungan ang mga grupo sa paglilinis at pagwawalis para alisin ang mga basurang nakakalat at tinanggal ang mga ligaw na damo.

Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng nasabing barangay sa aktibidad na isinagawa ng mga grupo upang mapanatili at masiguro ang kalinisan, disiplina, kalusugan at kaligtasan ng bawat residente ng nasabing barangay.

Layunin nitong panatilihin ang kalinisan sa ating bayan at layon din nito na iangat ang kamalayan ng ating mga kababayan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na pamayanan kasama ang tamang pagtatapon ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *