Barangay Based Advocacy Group ng Aparri, nakiisa sa Tree planting at Clean-up Drive Activity

Patuloy ang aktibong pakikiisa at pagtulong ng mga miyembro ng Barangay Based Advocacy group sa pamamagitan ng pakikiisa sa tree planting at clean-up drive activity na isinagawa sa Barangay Zinarag, Aparri, Cagayan nong Enero 6, 2024.

Nakapagtanim ang grupo ng nasa 50 coconut seedlings katuwang ang mga tauhan ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company.

Nagtulong-tulong din ang mga grupo sa paglilinis at pamumulot ng mga basura. Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili at itaguyod ang malinis na kapaligiran para sa kapakanan ng bawat miyembro ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *