Force Multipliers, nakiisa sa Barangay At Kalinisan Day (BARKADA) 2024

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang Barangay at Kalinisan Day 2024 na ginanap sa Sitio Sumirib, Barangay La Paz, Nueva Valencia, Guimaras nito lamang ika-29 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Punong Barangay Veronica V. Ortiz kasama ang Nueva Valencia Municipal Police Station, mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Nueva Valencia, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, at mga residente ng nasabing lugar.

Pinulot ng mga kalahok ang mga plastic at basurang nakakalat at nilinis ang baybaying dagat upang maiwasan na makontamina ng kemikal ang tubig na nagdudulot ng pagkamatay ng mga isda sa karagatan

Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad na naglalayong itaguyod ang kamalayan at pananagutan ng bawat isa sa pangangalaga ng kapaligiran tungo sa maunlad na pamayanan.

Source: Nueva Valencia Municipal Police Station

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *