LGBTQIA+ Community ng Tulunan, nakiisa sa “Kulayaan” Pride Month Celebration

Masayang nagtipon-tipon at nakiisa ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa selebrayon ng “Kulayaan” Pride Month sa bayan ng Tulunan, Cotabato nito lamang ika-1 ng Hulyo 2024.

Sa naturang pagdiriwang, malayang lumahok ang mga indibidwal sa iba’t ibang mga inihandang aktibidad gaya ng “Color Fun Run” at libreng mga serbisyo na manicure/pedicure, haircut, hair color, HIV testing/screening at iba pa.

Tampok din sa aktibidad ang isinagawang clean-up drive na inisyatibo ng Sangguniang Kabataan Municipal Federation Council ng bayan sa pangunguna ni SKMF President Coleen Dela Cruz.

Ang “Kulayaan” ay isang programang inilunsad ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos kasama ang pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, upang maipadama ang pagmamahal at pagpapahalaga ng pamahalaan sa nasabing sektor.

Layunin nito na maisulong ang pagbibigay ng pantay na karapatan, paggalang at pagtanggap sa mga indibidwal anuman ang kasarian ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *