Kabasalan National Highschool, nakiisa sa Crime Prevention Symposium
Kasama sa pagdiriwang ng ika-30 National Crime Prevention Week(NCPW) nagsagawa ng isang symposium tungkol sa anti-illegal drugs at crime prevention sa Kabasalan National Highschool, Zamboanga Sibugay noong Martes ika- 10 ng Setyembre, 2024.
Ang aktibidad na ito ay inisyatibo ng Kabasalan Municipal Police Station na pinamunuan ni Poloe Captain Romualdo L Puig III, Officer-In-Charge, katuwang ang mga Barangay opisyales.
Ang pagtitipon ay nakatuon sa mahalagang papel ng pakikilahok ng komunidad sa kampanya laban sa ilegal na droga, na binigyang-diin ang pagpapatupad ng OPLAN PASPAS at mga probisyon ng Anti-Bastos Law.
Namahagi rin ng mga materyales para sa Information, Education and Communication (IEC) upang higit pang itaas ang kamalayan ng mga kabataan.
Hinihimok ng inisyatibang ito ang mga kabataan na maging parte sa paglaban sa kriminalidad. Ang kanilang partisipasyon ay kinakailangan upang patuloy na mapanatili ang kaayusan sa kanilang mga komunidad.