School Symposium, isinagawa sa Iriga City
Nakiisa sa isinagawang school symposium ang mga Criminology student ng Ceguera Technological Colleges Inc. na inisyatiba ng Iriga City Police Station sa Camarines Sur noong ika-9 ng Setyembre 2024.
Tinalakay ng mga tagapagsalita sa naturang aktibidad ang mga pangunahing paksa tulad ng RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act), Traffic Management and Investigation, Drug Awareness, at PNP Recruitment.
Layunin ng aktibidad na bigyan ng mahalagang kaalaman ang mga estudyante hinggil sa mga aspeto ng proteksyon at suporta para sa mga kababaihan at kanilang mga anak, pagtiyak sa maayos at ligtas na daloy ng trapiko, pag-intindi sa mga panganib at negatibong epekto ng paggamit ng ilegal na droga, at ang mga kwalipikasyon para sa pagpasok sa Philippine National Police (PNP).
Ang ganitong aktibidad ay isang mahalagang hakbang para sa mga mag-aaral upang magkaroon ng mas malalim na pang-unawa sa mga isyung panlipunan at mga tungkulin sa pagpapatupad ng batas.