BPATs, nagsagawa ng Clean-up Drive

0
458305081_414495191255849_5387688024436753274_n

Nagsagawa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team ng Clean-up Drive sa kalsada sa Barangay Tetep-an Sur, Sagada, Mountain Province nito lamang ika-9 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng nasabing grupo katuwang ang mga residente ng nasabing lugar.

Ang masugid na pagtutulungan ng mga naturang grupo ay naglalayong panatilihin ang kalinisan at kagandahan ng kapaligiran para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.

Samantala, ang mga miyembro ng BPATs ay patuloy na makiisa sa mga programa o aktibidad na patuloy na magbibigay ng magandang serbisyo at susuportahan ang mga programa ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *