Mag-aaral ng Lunas 1 Elementary School, nakiisa sa Symposium Activity sa Cebu
Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Lunas 1 Elementary School sa isinagawang Symposium Activity sa Lunas, Asturias, Cebu, noong ika-10 ng Setyembre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng 1st PMFC na pinamumunuan ni Police Lieutenant Jayvee Kevin Toribio, sa ilalim ng pamamahala ni Police Lieutenant Colonel Danilo R. Yema Jr, Force Commander, at sa pakikipagtulungan ng Asturias MPS, MSWDO, RHU, at iba pang sektor.
Sa naturang aktibidad ay nagbigay ang kapulisan ng kamalayan hinggil paksang nauugnay sa droga na nakapaloob sa BIDA Program ng gobyerno, pati na rin ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga batas na RA 7610, RA 9208, RA 8353, at iba pang mga batas laban sa pang-aabuso.
Binibigyang diin dito ang pagtuturo sa mga mag-aaral ng mga pamamaraan upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng pang-aabuso at bullying, at kung paano protektahan ang kanilang sarili laban dito.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng ating pamahalaan sa ilalim ng administrasyong “Bagong Pilipinas,” kung saan ang pulisya ay aktibong gumagawa ng mga hakbang upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng publiko.
Ang mga ganitong programa ay nagpapakita ng dedikasyon ng ating kapulisan na maglingkod nang may malasakit at pagpupursigi para sa kapakanan ng bawat mamamayan.