Kaligkasan Warriors nakiisa sa Clean-Up Drive at Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kaligkasan Advocacy Support Group sa isinagawang Clean-Up Drive at Tree Planting ng Bataan PNP sa Barangay Roosevelt, Dinalupihan, Bataan nito lamang Huwebes, ika-13 ng Abril 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng First Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Brownson B Ollaging, Force Commander.

Nagtulungan ang grupo sa pagwawalis at pagtatanim ng punong-kahoy sa gilid ng kalsada.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng mamamayan at PNP lalo na sa pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *