Force Multipliers, nakilahok sa Community Outreach Program sa Taguig City

Aktibong nakilahok sa isinagawang Community Outreach Program ang mga Force Multipliers Barangay Lower Bicutan, Taguig City nito lamang Lunes, Hunyo 24, 2023.

Ito ay pinangunahan ni Mr. Louie Sacil, Presidente ng PPFMI at Zaron Skin Organics katuwang ang 7tn MFC ng RMFB-NCRPO. Nagkaroon ng iba’t ibang programa tulad ng feeding program, pamamahagi ng mga relief goods, libreng konsultasyon at salamin sa mata, at libreng skin care check-up.

Ang inisyatiba na ito ay naglalayong makatulong sa mga kababayan natin na kabilang sa mga mahihirap na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *