Miyembro ng BPATs, aktibong nakilahok sa Skills Enhancement Training

Dinaluhan ng Barangay Peacekeeping Action Team’s ang isinagawang BPATs Skills Enhancement Training na isinagawa sa Barangay Sta. Cruz, Cabusao, Camarines Sur nito lamang ika-25 ng Hulyo 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Cabusao MPS, sa pamumuno ni PMaj Rosalinda P Moises, Hepe ng Cabusao MPS.

Layunin ng isinagawang Skills Enhancement Training na makapagbigay ng sapat na kaalaman sa mga Force Multipliers upang maging mabisang katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *