Medical Mission at Outreach Program, aktibong nilahukan ng Advocacy Support Group

Masugid na nakilahok ang mga tauhan ng Advocacy Support Group sa medical mission at outreach program na ginanap sa Tigbauan, Iloilo nito lamang ika-28 ng Agosto 2023.

Ang aktbidad ay pinangunahan ng 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga volunteer doctors at health professionals, Overflowing Blessings Foundation, Pastor Nynto Piojo at Barangay official’s ng Brgy Tanpael.

Isinagawa sa aktibidad ang libreng medical consultation, libreng gamot at bitamina, Feeding program, Libreng Gupit at counseling sa mga residente.

Patuloy ang grupo sa mga ganitong aktibidad na mabigyan ng libreng serbisyo ang mga kababayan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *