Livelihood Program at Seminar nilahukan ng Force Multipliers sa Taguig City

Masayang nilahukan ng mga miyembro ng Force Multipliers ang isinagawang Livelihood Program at Seminar na ginanap sa Upper Bicutan, Taguig City nito lamang Linggo, ika-27 ng Agosto 2023.

Ang naturang programa ay pinangunahan ng Battalion Community Affairs Section Personnel sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Edgardo Tigbao, Chief, BCAS kasama ang Sub-Station 7 ng Taguig City Police Station.

Tinalakay sa seminar ang tungkol sa Drug Awareness at Soap Making Activity na dinaluhan ng 40 Force Multipliers ng Maharlika, Central at Upper Bicutan na pinamumunuan ni MCU President Randy Mahinay.

Layunin ng programang ito na tulungang makapagnegosyo ang ating mga katuwang sa lipunan at mabigyan sila ng ideya sa mga masamang epekto ng ilegal na droga nang sa gayo’y hindi na sila maging biktima pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *