Tree Planting Activity, isinagawa sa Samar

Pagsanghan, Samar – Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Villahermosa Oriental, Pagsanghan, Samar nito lamang Oktubre 9, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Sed Hendrix C Tan, Municipal Mayor ng Pagsanghan, kasama ang mga tauhan ng Pagsanghan Municipal Police Station, Bureau of Fire and Protection, Department of Education, stakeholders at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Patuloy ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran at mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *