Barangay Based Advocacy Group ng Solana, nakiisa sa Tree planting at Clean-up Drive Activity

Patuloy ang aktibong pakikiisa at pagtulong ng mga miyembro ng Barangay Based Advocacy group sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tree planting at clean-up drive activity sa Barangay Parig-parog Solana, Cagayan nito lamang Oktubre 12,2023.

Nakapagtanim ang grupo sa pangunguna ni Hon. Charles Palattao, ng mga narra seedlings sa paligid ng Parug-parog Elementary School, kasama ang mga guro ng paaralan at mga kapulisan ng Solana Police Station.

Naglinis din ang grupo at namulot ng mga basura sa kapaligiran ng paaralan at kahabaan ng Cagayan-Apayao Road. A

ng aktibidad ay pagpapakita ng malasakit sa kalikasan at humihikayat sa mga residente na pangalagaan ang kapaligiran upang maiwasan ang mga sakunang dulot ng nasisirang kalikasan.

Source:Solana PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *