Advocacy Support Group, nakiisa sa Inter-Agency Tree Planting at Coastal Clean-Up Drive sa Samar

Catbalogan City – Nakiisa ang mga Advocacy Support Group sa isinagawang Inter-Agency Tree Planting at Coastal Clean-Up Drive sa Brgy. Pupua, Catbalogan City, Samar nito lamang Biyernes ika-20 ng Oktubre 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga Barangay officials, Barangay Peacekeeping Action Teams, miyembro ng 4P’s, mga kabataan ng nasabing lugar kasama ang mga tauhan ng Samar Police Provincial Office, Philippine Coast Guard, Samar station, Bureau of Fire and Protection, Philippine Statistics Authority personnel, Department of Agrarian Reform, Department of Environment and Natural Resources at Department of Public Works and Highways.

Ang aktibidad ay nagpapalakas sa pagtutulungan ng gobyerno at komunidad sa pagkamit ng iisang layunin, upang mag-ambag sa pagbawas ng basura at upang itaas ang kamalayan tungkol sa polusyon sa dagat at ang mga epekto nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *