Rise Above Foundation, nakiisa sa Community Outreach Program sa Cebu City

Cebu City – Nakiisa ang mga miyembro ng Rise Above Foundation sa isinagawang Community Outreach Program sa Sitio Ka-Dianoy, Brgy. Sapangdaku, Cebu City nito lamang ika-21 ng Oktubre 2023.

Ang programa ay pinangunahan ng mga tauhan ng Guadalupe Police Station sa pangunguna ni Police Major Keneth Paul C Albotra, Station Commander.

Tinatayang 150 na residente ng Sitio Ka-Dianoy ang nabahagian ng tsinelas, school supplies, hygiene kit, meryenda at condiments bundle.

Ang naturang grupo ay patuloy na maghahatid ng kasiyahan at ngiti sa bawat mamamayan na kanilang nasasakupan upang maramdaman nila ang pagkalinga ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *