Brgy. Based Advocacy Group nakiisa sa Dayalogo at Koordinasyon ng San Mateo PNP

Nakiisa ang Brgy. Based Advocacy Group sa isinagawang dayalogo at koordinasyon ng San Mateo PNP sa Brgy. Gulod Malaya, San Mateo Rizal nito lamang Martes, Enero 2, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Patrolman Raymond Montojo at Patrolman Francis Laborde sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Rodolfo Santiago II, Acting Chief of Police ng San Mateo Municipal Police Station.

Tinalakay sa mga tauhan ng Pulis sa Barangay ang patungkol sa Ligtas Balik-Eskwela 2024, Against Illegal Drugs, Anti-Terrorism and Crime Prevention Tips.

Layunin nitong madagdagan ang kaalaman ng mga PSB sa mga batas, krimen, droga at insurhensya para maiwasang maging biktima nito at mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *