KKDAT Placer, nakilahok sa isinagawang Feeding Program Activity sa Masbate

Placer, Masbate- Nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo Placer Chapter sa isinagawang Feeding Program Activity sa Barangay Pasiagon, Placer Masbate nito lamang ika-7 ng Enero 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Placer Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Rustom A Dela Torre, Chief of Police Nasa 50 na mga kabataan sa naturang barangay ang nakatanggap ng masustansyang pagkain na labis naman na ikinatuwa ng bawat isa.

Patuloy ang KKDAT sa lugar na makikiisa sa mga programa ng gobyerno na may kinalaman sa pagsusulong ng kalusugan ng bawat kabataan sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *