KKDAT Sabangan Chapter, nakiisa sa “Moving the Youth Towards Peace and Development” Program


Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT) – Sabangan Chapter sa tatlong araw na Moving the Youth Towards Peace and Development Training na ginanap sa Barangay Camatagan, Sabangan, Mt. Province nito lamang ika-12 hanggang 14 ng Enero 2024.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng mga tauhan ng Mt. Province Police Provincial Office katuwang ang mga miyembro ng, Parent-Teacher Association (PTA) Officers ng Pingad National High School.
Aktibong nakilahok ang 80 kabataan mula sa Grades 9- 10 sa talakayan sa mga paksa ukol sa Pamumuno, Papel ng Kabataan sa Komunidad, Spiritualidad sa Kalusugang Pang-isipan at Kahalagahan ng Pamilya, Kamalayan sa Kalusugang Pangka-sipan, Kamalayan sa Droga, Paunang Lunas, Anti-Cybercrime Tips, Tamang pamamahala sa social media, Project Safe Juana at Juan, Values Formation at Recollection, Pagpapalakas ng Kalusugang Pang-isip at Pag-unlad ng Emosyonal na Kalusugan.
Aktibo ring nakilahok ang mga kabataan sa mga palarong nagpapatibay sa Team Building, Pingad NHS Got Talent, at Paggawa ng Guidon.
Sa pamamagitan nito, tumaas ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa kahalagahan, pagtutulungan at pagkakaisa tungo sa kapayapaan at kaunlaran.