KKDAT Bauko Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan kontra droga at terorismo (KKDAT) Bauko Chapter sa isinagawang Tree Planting Acitvity sa Brgy.

Sitio Malupa, Barangay Abatan, Bauko, Mountain Province nito lamang ika-13 ng Enero 2023. Kasama sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Bauko PNPna pinangunahan ni Police Major James Kibiten Jr., Chief of Police katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Layunin nitong protektahan at pangalagaan ang ating likas na yaman upang matugunan ang problema sa global warming.

Sa pamamagitan nito, madadagdagan ang kamalayan at responsibilidad sa lipunan sa pangangalaga ng kapaligiran at pagyamanin ang malakas at aktibong partisipasyon ng mga uniformed personnnel at komunidad bilang pagsunod sa PNP Core Values ​​na “Makakalikasan”.

Layunin din nitong kilalanin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kamalayan at pagmamalasakit sa kapaligiran.

Source: Bauko KKDAT Chapter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *