Tree Planting Activity, isinagawa sa Puerto Galera

Puerto Galera – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Pamahalaang Barangay ng Balatero sa Sitio Kalayaan, Barangay Balatero, Puerto Galera noong ika-28 ng Enero 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Barangay Chairman Willy Candava at mga opisyal ng pamahalaang barangay.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang Puerto Galera PNP katuwang ang Regional Maritime Group. Layunin ng aktibidad na maipakita ang aktibong pakikilahok ng ahensya ng gobyerno at ng komunidad upang mapanatiling luntian ang mga kabundukan at upang maiwasan ang pagguho ng lupa at pagbaha na maaaring makaapekto sa mga residenteng naninirahan sa naturang Sitio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *