BPATs, nakilahok sa Livelihood Training Program
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang livelihood training program sa Barangay Bungsi, Mambusao, Capiz nito lamang ika-18 ng Pebrero 2024.
Ang pagsasanay ay inisyatibo ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company na kung saan ay tinuruan ang mga miyembro ng BPATs ng paggawa ng fabric conditioner at powder detergent.
Ang naturang aktibidad ay makakatulong sa mga miyembro ng BPATs na magkaroon ng kaalaman at kasanayan na maaari nilang magamit sa pagnenegosyo.
Ang nasabing programa ay alinsunod sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na bigyang prayoridad ang pagbibigay ng kasanayan at oportunidad sa mga Pilipino, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.
Source: 2nd Capiz PMFC
Panulat ni Julius Sam Accad