Assistance to Individuals in Crisis Situation, isinagawa ng DSWD
Nagsagawa ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bahagi ng ika-123rd Foundation at 79th Liberation Anniversaries ng Probinsya ng Romblon na ginanap sa Capaclan, Romblon, Romblon nito lamang ika-16 ng Marso 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Senator Imee R Marcos bilang panauhing pandangal na malugod naman siyang tinanggap ng mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Jonathan P Paguio, Provincial Director.
Bago nagsimula ang pamimigay ng AICS ay nagkaroon muna ng Wreath Laying Ceremony sa Liberation Marker kasama sina Sen. Marcos at Local Officials ng Romblon sa 123rd Foundation at 79th Liberation Anniversaries ng Probinsya ng Romblon.
Matapos nito ay pinangunahan na ni Sen. Marcos ang pamimigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa ilang mamamayan ng Romblon.
Layunin ng nasabing programa ang magbigay ng agarang tulong at suporta sa mga indibidwal na naapektuhan ng mga krisis tulad ng natural na kalamidad, sakuna, pagkawala ng trabaho, o anumang pangyayaring maaaring magdulot ng pagkabalisa o pagkawala ng kabuhayan. Ito ay naglalayong mapagaan ang kanilang sitwasyon at tulungan silang makabangon mula sa krisis na kanilang pinagdaraanan.
Samantala, nagbigay din ng security assistance ang mga kapulisan sa probinsya para maging mapayapa ang naturang programa at masiguro ang kaligtasan ng lahat.
Source: Romblon Police Provincial Office