Coastal Clean-up at Mangrove Tree Planting, isinagawa sa Batangas

Nagsagawa ng coastal clean-up drive at mangrove tree planting ang Advocacy Support Groups ng Lian, Batangas kasama ang Lian Municipal Police Station sa Sitio Matuod, Barangay Binubusan, Lian, Batangas nito lamang Marso 16, 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng iba’t ibang Advocacy Support Groups tulad ng Sangguniang Barangay, Lian Municipal Advisory Group, Lian Batangas Eagles Club, Knights of Columbus-Lian Chapter, Bantay-Bayan, KABALIKAT, AKKHRO, RMFB, Philippine Army and Coast Guard Lian Sub-Station ng Lian, Batangas sa tulong ng Lian MPS sa pamumuno ni Police Major Ferdinand B Vergara, Acting Chief of Police.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan katuwang ang iba pang mga stakeholders ay pagpapakita ng hangarin na mapanatili ang kalinisan at kaayusan para sa inaasam na payapa at maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: Lian MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *