Barangay Officials, SK, at BPATs, nakilahok sa Symposium

Nakilahok ang mga Barangay Officials, Sangguniang Kabataan, at mga BPATs sa isinagawang symposium ng mga miyembro ng Lidlidda Municipal Police Station sa Barangay San Vicente, Lidlidda, Ilocos Sur nitong lamang umaga ng Miyerkules, Abril 10, 2024.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang paksa ukol sa masamang epekto ng ilegal na droga, Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004, at Rape.

Nagpapasalamat naman ang mga dumalo sa ibinahagi ng mga kapulisan na maituturing na isang malaking bagay upang maiwasan ang paggamit ng ilegal na droga, at maiulat sa himpilan ng pulisya ang anumang pang-aabuso sa loob at labas man ng kanilang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *